Lahok - toyo (1/4 cup) - suka (2tbsp) - asukal (1tsp) - bawang (6) - dahon ng laurel (2pcs) - oil (2tbsp) - tubig (1cup) - manok (1kl) - knorr (2pcs) - paminta (1tsp durog) Pag luluto 1. Painitin ang kawali at unang lutuin ang bawang. Pagkatapos ay ilagay na ang manok sa kawali hanggang maging kulay brown ito. 2. Lagyan ng suka, toyo, at tubig. Ilagay ang dahon ng laurel, paminta, at ang knorr chicken cubes. Paukuluin ito at kapag kumulo na ay hinaan na ang apoy at pakuluin pa ng 10 minuto. 3. Hintaying lumambot ang manok bago patayin ang apoy at ihain sa hapag kainan.